Pangasinan, isa sa most Peaceful Provinces sa buong bansa nitong 2016 Election.

Itinuturing na isa ang Pangasinan sa most peaceful provinces sa buong bansa noong panahon ng halalan 2016.

Ayon kay PC/Supt. Ericson Velasquez, Police Regional Director 1, na bago at pagkatapos ng election ay walang anumang naitalang election violent incident sa lalawigan kayat nakamit ang secured and safe elections (SAFE) 2016.

Sa mensahe ni Velasquez, sinabi nito na proud siya sa ipinakitang pagsusumikap ng kapulisan upang maisagawa ang isang ligtas at patas na halalan sa kasaysayan ng bansa.

Nagpasalamat naman si Velasquez sa kontribusyon ng publiko, Armed Forces of The Pilipinas (AFP), Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, at mga barangay Officials sa kampanya ng PNP na maipatupad ang SAFE 2016.

Matatandaang sa buong pilipinas, kabilang ang lalawigan ng Pangasinan sa Election Watchlist Area (EWAS) dahil narin sa mga naitalang election related violence noong mga nakaraang halalan.

Speak Your Mind

*