Pangasinan PNP, binabantayan na ang mas mataas na uri ng illegal na droga

Mahigpit nang binabantayan ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) ang mas mataas na uri ng illegal na droga lalot ilang araw nalang ay magbubukas na ang klase.

Una ang naitala ng pnp ang pagkakasabat sa isang uri ng shabu na may pandan flavor.

Ayon kay P/Supt. Ferdinand de Asis, Pulic Information Officer ng PPPO na indikasyon na ito na gumagawa na ng inobasyon ng mga drug lord sa pagbibenta ng ilegal na droga kung saan target nila ang mga studyante.

Nagbabala naman si de Asis sa masamang epekto ng paggamit sa naturang illegal na droga na maaaring magdulot nang hindi pagkatulog ng ilang araw, pagiging hyper activities at maaari ring ikamatay.

Payo rin ng pnp sa mga kabataan na kung dadalo sa isang pagtitipon, iwasan na uminom ng anumang uri ng alak dahil madalas ihalo sa inumin ang droga.

Speak Your Mind

*