Pangasinan, posibleng sa taong 2017 pa mabigyan ng dengue vaccine – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Region 1 na posibleng abutin pa ang ilang taon bago magkaroon ng dengue vaccine ang lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay DOH Regional Diector Myrna Cabotaje, bagamat malaki ng populasyon ng pangasinan pero hindi nakasama ang lalawigan na nabigyan ng pondo.

Prayoridad umanong bigyan ng dengue vaccine ang mga lugar na may matataas na kaso ng dengue.

Umaasa naman ang DOH Region 1 na sa taong 2017 ay mabibigyan na ang lalawigan ng nasabing bakuna na kung bibilhin sa merkado ay umaabot sa P6,000 kada dosage.

Patuloy naman ang paalala ni Cabojate sa publiko na ugaliin ang paglilinis sa tahanan at bakuran para walang pamugaran ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Speak Your Mind

*