Panibagong Missile Launch ng North Korea, pumalya

Nabigo ang North Korea sa pinakabago nitong tangka na magpakawala ng Medium-Range Missile.

Ayon sa ulat ng Yonhap News Agency ng South Korea, pumalya ang isinagawang Missile Launch ng North Korea kaninang ala-singko bente ng umaga malapit sa rehiyon ng Wonsan.

Patuloy naman ang isinasagawang pag-aaral ng South Korean Military para matukoy ang detalye ng pinaniniwalaan nilang musudan Intermediate-Range Ballistic Missile.

Kahapon pa umano nang may ma-detect silang senyales na muling magpapakawala ng missile ang Ballistic North Korea.

Speak Your Mind

*