Paquito Ochoa, tiwala sa kakayahan ng papalit sa kanyang posisyon

Tiwala si Executive Secretary Paquito Ochoa na magagampanan ng maayos ang trabaho ng kaniyang kapalit na si Atty. Salvador Medialdea.

Si Medialdea ang itinalaga ni Incoming President Rodrigo Duterte bilang executive secretary simula Hunyo a-trenta.

Ayon kay Ochoa, nagpagawa na siya ng matrix ng mga records at mga programa sa office of the president para sa maayos na transition sa pagpasok ng Duterte administration.

Naniniwala naman si Ochoa na maaaring nag-iingat ang grupo ni Duterte kaya hindi minamadali ang transition process habang hindi pa naipoproklama ang bagong presidente.

Speak Your Mind

*