Pastor Apollo Quiboloy at incoming President Rodrigo Duterte, hindi pa rin nagkakausap

Hindi pa rin nagkakausap hanggang ngayon ang magkaibigang sina Pastor Apollo Quiboloy ng The Kingdom Of Jesus Christ at incoming President Rodrigo Duterte.

Sa programang Give Us This Day ng butihing Pastor, ibinunyag niya ang aniya’y kawalan ng komunikasyon kay Duterte matapos ang gabi ng eleksyon.

Dagdag pa ni Pastor Quiboloy, hindi siya isinali sa selection team na pumipili sa mga personalidad na itatalaga sa mga ahensya ng gobyerno.

Nag-ugat ang pahayag na ito ni Pastor Apollo dahil sa mga batikos sa mga itinalaga ni Duterte sa ilang mahahalagang departamento ng gobyerno gaya ng Department of Public Works and Highways at maging ang piniling Presidential Spokesperson.

Matatandaang itinalaga si Las Piñas Congressman-Elect Mark Villar bilang kalihim ng DPWH na kilalang nagmula sa pamilyang may real estate business.

Habang ang itinalaga namang Presidential Spokesperson na si Attorney Salvador Panelo ay naging abogado ng pamilya ampatuan na pangunahing suspek sa Madugong Maguindanao Massacre.

Si Pastor Apollo at Duterte ay kilalang malapit na magkaibigan sa loob ng halos tatlong dekada, itinuturing din ni Duterte si Pastor Quiboloy na kanyang spiritual adviser.

Speak Your Mind

*