Pastor Apollo Quiboloy, nilinaw na hindi kasama sa selection team ni Duterte sa pagpili sa mga italaga sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno

Nilinaw ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ na hindi ito kasama sa selection team ni President-elect Rodrigo Duterte na kumikilatis sa mga nagnanais na maitalaga sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno sa ilalim ng bagong administrasyon.

Matatandaang nitong mga nakalipas na araw ay kaliwa’t kanan ang mga rekomendasyon at ginawang pagpili ni Duterte sa mga magiging miyembro ng kanyang gabinete.

Giit ng butihing Pastor, isa lamang syang tagamasid sa mga nangyayari sa paligid ng bagong pangulo.

Ito, ay dahil hindi naman aniya sya bahagi at hindi rin sya kinonsulta kaugnay sa mga naging desisyon nito sa kabila ng kanilang pagkakaibigan.

Muli namang ibinabala ni Pastor Apollo na sa bawat pabor na ibinibigay ng diyos ay may kaakibat itong responsibilidad para ipatupad ang tama, makatwiran at kung ano ang naaayon sa batas.

Si Pastor Apollo ang lider ng The Kingdom of Jesus Christ ang nagproklama na magiging landslide votes ang pagkapanalo ni Duterte sa halalan dahil sa ipinahayag na ito ng diyos sa kanya, labingwalong taon na ang nakararaan.

Speak Your Mind

*