Pastor Apollo Quiboloy, nilinaw na wala siyang tampo sa matalik na kaibigan na si Presumptive President Rodrigo Duterte

Nilinaw ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na hindi siya nagtatampo sa kaibigang si Incoming President Rodrigo Duterte.

Ayon sa butihing Pastor, alam niyang busy si Duterte.

Iginiit din ni Pastor Apollo na hindi para sa personal na interes ang pakikipag-kaibigan niya kay Duterte.

Dagdag pa ng Pastor, sa gitna ng mga araw na wala silang komunikasyon ni Duterte ay nanalangin at nag-ayuno siya para sa bansa at sa pamumuno ni Duterte.

Nanawagan din si Pastor Apollo ng National Prayer and Fasting sa lahat ng Kingdom Citizens para kay Duterte.

Speak Your Mind

*