Pastor Quiboloy, iginiit na number prolife si Mayor Rodrigo Duterte

13094328_1030639933650122_3466295756712757516_n

Iginiit ni Pastor Apollo Quiboloy ng “The Kingdom of Jesus Christ” na number prolife si Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng alkalde na kapag siya ang naging pangulo ng bansa ay maraming mga kriminal ang mamamatay.

Ayon sa butihing Pastor, dahil sa maling inter-pretasyon sa prolife dito sa pilIpinas ay dumarami ang mga masasamang tao sa bansa.

Paliwanag pa ni Pastor Apollo, nasusulat sa banal na kasulatan na ang lahat ng lalabag sa batas ay makatatanggap ng kaparusahan.

Nanawagan naman si Pastor Apollo sa mga mamamayan na manalangin na maging mapayapa ang darating na eleksyon sa Mayo a-nuwebe.

Speak Your Mind

*