Pastor Quiboloy, iginiit na walang hinihinging kapalit sa mga naibigay na regalo kay Duterte, mananatili lang umano siyang spiritual adviser.

pacq en DU30Ipinahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom Of Jesus Christ, na napanaginipan niya noon na pangulo na ng bansa si Presumptive President Elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pastor Apollo, nangyari ang kaniyang panaginip labing walong taon na ang nakakaraan.

Inamin ni Pastor Quiboloy na matagal na silang magkaibigan ni Duterte subalit wala umano siyang hinihiling na kapalit sa mga naibigay niyang regalo sa pamilya ng alkalde dahil sa lalim ng kanilang samahan.

Itinanggi rin ni Pastor Quiboloy ang ulat na posibleng kunin siya ni Duterte bilang bahagi ng kaniyang gabinete.

Giit ni Pastor na hindi siya papasok sa pulitika subalit mananatili umano siyang Spiritual Adviser ni President Elect Duterte.

Plano ni Pastor Quiboloy na kausapin si Duterte para payuhan na maging mahinahon sa pagbitiw ng mga salita lalo na’t buong mundo na ang makakarinig nito.

Speak Your Mind

*