Pastor Quiboloy, muling kinumpirma na mamuno sa isang rebolusyon sakaling magkaroon ng malawakang dayaan sa halalan

13119034_1312579832091429_458825280712204372_nMuling nilinaw ni Pastor Quiboloy ng “The Kingdon of Jesus Christ na handa siyang sumali o manguna sa isang rebolusyon sakaling dayain ang resulta ng darating na halalan.

Aniya, maituturing na banta sa demokrasya ng bansa ang pagkakaroon ng malawakang dayaan sa darating na eleksyon at hindi aniya ito dapat na hayaan.

Bukod rito, hindi rin aniya masasabing sigaw ng nakakarami ang magiging resulta ng eleksyon kung ito ay dinaya.

Nanawagan din si Pastor Apollo Quiboloy sa mga mamamayan na magdasal para maging mapayapa ang darating na eleksyon sa Mayo a-nuwebe.

Kaugnay nito, umaasa ang butihing Pastor na matutupad ang kalooban ng ama para sa bansa kung saan labingwalong taon na ang nakalilipas nang ipahayag sa kanya na magiging pangulo ng bansa si Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Speak Your Mind

*