Pastor Quiboloy, naniniwalang hindi hahantong sa Martial Law ang pamumuno ni Duterte

13087387_1030639876983461_7555700851469818982_nNaniniwala si Pastor Apollo Quiboloy ng “The Kingdom of Jesus Christ” na hindi hahantong sa martial law ang pamumuno ni Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa bansa sakaling mahalal ito bilang bagong presidente.

Ito ay dahil aniya sa inaasahan na ang lahat ng mga pilipino ay makikiisa sa gustong mangyari ni Duterte sa bansa partikular na sa pagsugpo ng iligal na droga at kurapsyon sa mga sangay ng pamahalaan.

Binuweltahan ni Pastor Apollo si Senator Antonio Trillanes kaugnay sa mga paratang nito kay Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Kinuwestyon ng butihing Pastor si Trillanes kung magkano at sino ang nagbayad dito para gawin ang paninira sa alkalde at mapababa ang ratings nito sa mga survey.

Ayon pa kay Pastor Apollo, kung ginawa ito ni Trillanes para kumita lamang ay maituturing aniyang isang political prostitute at walang kredibilidad na senador.

Speak Your Mind

*