PDEA Region 1, tiwala na nagagawa nila ang trabaho laban sa illegal drugs

Tuloy-tuloy lang ang trabahong ipinatutupad ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) Region 1 sa kabila ng papalapit na bagong adminitrasyon.

Ito’y sa kabila ng napipintong balasahan sa matatas ng opisyal ng PDEA alinsunod narin sa mga pahayag ni Presumptive President Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Bismark Bingaoyan, Public Information Officer mg PDEA Region 1, tiwala silang maganda ang kanilang achievement sa anti-drug campaign.

Naniniwala naman si Bingaoyan na kung magtutulungan ng lahat ng enforcement agency ay tuluyan ng masusugpo ang iligal na droga.

Ang tinig ni Bismark Bingaoyan, Public Information Officer ng PDEA Region 1, sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*