Philhealth, nilinaw na Coverage Lifetime Member na ang lahat ng senior citizens

Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na lahat ng mga senior citizens ay Philheath Coverage Lifetime Member na.

Sa programa ng Philheath sa Sonshine Radio, sinabi ni Genevieve Macquio, Information Officer Sa Philheath Western Pangasinan na ito ay dahil sa Republic Act 10645 Mandatory Philheath Coverage for Senior Citizen na naging batas noong November 5, 2014.

Ayon pa kay Macquio, ang lahat ng filipino citizen na may edad 60 pataas ay otomatikong miembro na ng Philhealth.

Upang magkarecord sa Philheath, maaari lang umanong fill a-pan ang Philhealth form sa makukuha sa Office of the Senior Citizen Assocition (OSCA) sa inyong lugar.

Maaari din namang personal na magtungo sa kahit saang pinaka-malapit na tanggapan ng Philheath ang senior citizen upang doon magparehistro magdala lang ng valid ID.

Speak Your Mind

*