Pito hanggang sampung libong bagong plaka, inaasahang darating sa LTO Dagupan

Aabot sa pito hanggang sampung libo na mga bagong plate numbers ang inaasahang darating sa lungsod ng Dagupan mula sa Land Transportation Office o LTO Regional Office.

Ito ang inihayag ni Richard Agbayani, lto Chief ng Dagupan sa panayam ng Sonshine Radio.

Ayon pa kay Agbayani, dahil sa dami ng mga bagong plaka ng mga saksakyan, malalaman pa nila ngayong linggo kung kailan maibibigay ang mga ito sa mga district office.

Nilinaw naman ni agbayani na kaya nagkaroon ng aberya sa pamamahagi ng bagong licence plate ay dahil sa pagpigil ng commission on audit.

Ang tinig ni Richard Agbayani, Lto Chief ng Dagupan sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*