Pito katao, patay sa pagsabog ng Mt. Sinabung sa Indonesia

Pito katao ang nasawi sa naganap na pagsabog ng Mt. Sinabung sa Sumatra Island sa Indonesia

Ayon kay National Disaster Mitigation Agency (BNPB) Spokesman Sutopo Purwo Nugroho, pawang mga magsasaka ang nasawi na nakatira sa tinaguriang “red zone.” na bahagi ng naturang bulkan.

Tinatayang nasa daan-daang katao naman na nakatira sa paanan ng bulkan ang apektado ng pagsabog.

Sa ngayon, tuloy naman ang isinasagawang rescue operation ng mga rescue team sa lugar para sa paghahanap sa mga posibleng nasawi o nasugatan sa naturang pagsabog.

Speak Your Mind

*