Planong Department of Overseas Filipino Workers, suportado ni Susan Ople

Suportado ni Blas Ople Policy Head At OFW Advocate Susan Ople ang balak ni Incoming President Rodrigo Duterte na magtayo ng Department Of Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Ople, matagal na nilang gustong magkaroon ng sariling departamento para sa Overseas Filipino Workers.

Sa katunayan, aniya mayroon ng mga panukala sa senado at kamara para sa pagtatayo ng naturang kagarawan ngunit hindi naman umano umuusad.

Iminungkahi naman ni Ople na magsagawa ng series of worskhop para buuin na ang magiging itsura ng Department of OFW’s.

Umaasa rin si Ople na maisasakatuparan din ni Duterte ang pagkakaroon ng One Stop Ofw Agency.

Speak Your Mind

*