Planong ipatupad na Curfew Hour ni Duterte, pabor umano sa mga pulis

Malaking tulong sa hanay ng kapulisan ang planong ipatupad ni Presumptive President Rodrigo Duterte na Curfew Hour sa mga menor de edad.

Sa panayan ng Sonshine Radio, sinabi ni PCI Brendon Palisoc, OIC ng Manaoag Police Station na sakaling ipatupad ang Curfew Hour ay mapipigil na ang mga posibleng insidente na kasangkutan ng mga kabataan.

Malaking tulong din umano ang curfew para masubaybayan at maalagaan ng mga magulang ang kanilang mga anak.

Pabor umano sa trabaho ng pulis ang curfew dahil marami na mga kabataan ngayon ang mapupusok at mainit sa kaguluhan kung saan marami ring mga kabataan ang kanilang namamataan sa mga checkpoint.

Speak Your Mind

*