PNP, bubuo rin ng transition team para sa pagpapalit ng liderato

Bubuo ng transition team ang Philippine National Police para sa pagpapalit ng liderato sa bagong administrasyon sa buwan ng Hulyo.

Ngayon pa lang ay handa na ang transition team na pamumunuan ni Police Deputy Director General Francisco Uyami.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operation Director General Danilo Constantino, layon ng transition team na masiguro ang maayos na palitan ng mga proyekto ng PNP.

Nais din ni Outgoing PNP Chief Police Director General Ricardo Marquez na maging maayos ang lahat bago pa siya umalis sa serbisyo.

Papalit sa puwesto ni Marquez si Incoming PNP Chief Police Chief Superintendent Ronald Dela Rosa.

Speak Your Mind

*