PNP, tiniyak ang seguridad sa pagbubukas ng klase sa Hunyo

Handa na ang pambansang pulisya para sa pagtiyak ng seguridad sa muling pagbubukas ng klase ng mga estudyante sa susunod na buwan.

Ayon kay P/Supt Wilben Mayor tagapagsalita ng PNP, taon-taon ay may template na silang sinusunod o mga security operation plan na ipinatutupad tuwing pasukan.

Makikipagugnayan rin ang PNP sa mga tinatawag na force multipliers mula sa mga local government units bilang pandagdag pwersa na tutulong sa kanila, hindi lang sa pagbabantay ng mga estudyante, maging sa pagmamando na rin ng daloy ng trapiko.

Maliban sa mga paaralan, mahigpit ding babantayan ng PNP ang mga lugar na kalimitang dinadagsa ng publiko tulad na lamang ng mga malls, pamilihan gaya ng divisioria , transportation terminals, at iba pa.

Speak Your Mind

*