Power Duo, itinanghal na kampyonato sa Pilipinas Got Talent Season 5

Tinanghal naman na Pilipinas Got Talent Season 5 grand winner ang Power Duo kung saan na binubuo ng magkasintahang sina Anjanette at Gervin.

Ipinamalas ng dalawa ang kanilang galing sa huling pagtatanghal sa pag-perform ng ‘Ikaw Lamang.’ sa pamamagitan ng kanilang dance/acrobatic interpretation.

Nakakuha ng 100% mula sa pinagsamang judges’s score at public votes ang magkasintahan para tanghaling kampyon sa naturang kompetisyon.

Pinabilib ng Power Duo ang mga manonood at ang mga hurado na sina Vice Ganda, Angel Locsin, Freddi Garcia, at Robin Padilla sa kanilang performance kung saan binigyan pa ito ng standing ovation ni Vice Ganda.

Speak Your Mind

*