PPH, maagang nagbabala sa sakit ng Leptospirosis na nakukuha sa tag-ulan

Nagbabala na ang Pangasinan Provincial Hospital (PPH) sa publiko kaugnay sa sakit na Leptospirosis na kalimitang nakukuha sa tubig baha dala ng tag-ulan.

Ayon kay Dr. Policarpio Manuel, Chief Administrator ng PPH, nakapagtala na ng dalawang kaso ng Leptospirosis ngayong taon, kung saan noong nakaraan taon dalawampu’t lima (25) kaso ang naitala at anim dito ang namatay.

Sinabi pa ni Manuel, ang sakit na Leptospirosis ay bakterya na kadalasang nakukuha sa ihi ng daga, na humahalo sa tubig baha at putik.

Kalimitan namang biktima nito ay mga magsasaka na hindi maiwasang lumusong sa putik dala ng kanilang trabaho.

Paalala naman ng PPH na sakaling makaranas ng ilang sintomas ng Leptospirosis gaya ng mataas na lagnat, paninilaw ng balat, pananakit ng kalamnan at paninilaw ng ihi ay agad na magpakonsulta sa doktor.

Maiiwasan naman aniya ang naturang sakit kung iiwasan ang paglusog sa baha o putik at panatilihin ang malinis na katawan.

Speak Your Mind

*