PPO, nakahanda sakaling magkaroon ng reshuffle sa hanay ng kapulisan

Nakahanda ang Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) sa nakatakdang malawang balasahan sa hanay ng mga matataas na opisyal hanggang sa pinaka-mababang rango ng kapulisan sa bansa.

Ito’y kaugnay sa nalalapit na pag-upo bilang pangulo ni Presumptive President Rodrigo Duterte kung saan inihayag nito na magpapatupad siya ng massive revamp sa PNP.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Officer for Operation ng PPPO, sinabi nito na handa ang kapulisan sa kautusan ng papalit na leader ng bansa.

 

Binigyang diin ni Candelario na walang dapat ikabahala ang publiko dahil bahagi na ito sa kanilang trabaho, ang mahalaga aniya ay patuloy silang makapag-bigay ng tapat na serbisyo sa publiko.

Ang tinig ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Officer for Operation ng PPPO, sa panayam ng dzrd Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*