President-Elect Rodrigo Duterte, ipapakilala na ang mga bubuo sa kaniyang gabinete

Ipapakilala na ni President-Elect Rodrigo Duterte ang mga bubuo sa kaniyang gabinete.

Alas-kwatro mamayang hapon gagawin ni Duterte ang naturang anunsyo.

Mahigit apatnapung posisyon sa gabinete ang kailangang italaga ni Duterte sa ilalim ng kaniyang bagong administrasyon.

Ilan sa mga inalok na ni Duterte ng cabinet post ay ang kanyang dating college roomate, mga kaibigan at mga dating personalidad na mayroon na ring karanasan sa gobyerno.

Una namang sinabi ni Duterte na wala pa siyang maiaalok na posisyon kay Vice-President-Elect Leni Robredo dahil ang mas iniisip pa niya aniya sa ngayon ay ang mga pinagkakautangan niya ng loob.

Speak Your Mind

*