Presidential Yacht, planong gawing Floating Hospital ni Duterte

Plano ni Incoming President Rodrigo Duterte na gawin na lamang na isang malaking Floating Hospital ang Presidential Yacht kung walang buyer na interesado dito.

Ito ang pahayag ni Duterte matapos ihayag ng Philippine Navy na ang pagbenta ng makasaysayang yate ay sasailalim sa buong proseso ng pagbebenta ng mga government owned facilities.

Ayon kay Duterte, ang nasabing Floating Hospital ang gagamitin sa mga lugar na wala o malayo sa mga pagamutan.

Nauna rito, plano sana ni Duterte na ipagbili ang nasabing yate at gamitin ang pera para sa modernisasyon ng Veterans Memorial Medical Center.

Speak Your Mind

*