Presidential Yatch, planong ibenta ni Duterte

Seryoso si incoming president Rodrigo Duterte sa planong ibenta ang presidential yatch na brp ang pangulo.

Ilalaan umano sa pagsasaayos ng Veterans Memorial Medical Center at pagpapatayo ng bagong mga Military Building ang kikitain mula sa naturang yate.

Paliwanag pa ni Duterte, dapat na magamit ng mga pulis at sundalo ang kikitain sa brp ang pangulo sa halip na maging simbolo lamang ito ng pagiging maluho.

ilang ulit ding sinabi ni Duterte na ayaw niyang gumamit ng luxury vehicles maging ang kaniyang mga gabinete.

Unang ginamit ang brp ang pangulo ni dating pangulong Carlos Garcia limampu’t pitong taon na nakakalipas.

Speak Your Mind

*