Presumptive-President Rodrigo Duterte, iginiit walang palakasan system sa kaniyang administrasyon

Mahigpit na nagbabala si President-Elect Rodrigo Duterte na walang palakasan system sa kaniyang administrasyon.

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos dumugin siya ng mga aplikante na nagnanais humawak ng posisyon sa gobyerno.

Nais ni Duterte na dumaan sa tamang proseso ang mga aplikante.

Ayon sa incoming president, siya mismo ang tututok sa pagpili ng sinasabing the finest and the brightest na hahawak ng posisyon sa gobyerno.

Bukod dito, pinaalalahanan din ni Duterte ang mga aplikante na hindi na dapat manghingi pa ng endorsement sa mga senador, congressman, at iba pang opisyal ng gobyerno dahil tiyak na ibabasura niya umano ito.

Binigyang diin din ni Duterte na hindi lamang ito sa mga government offices dahil kasama din aniya dito ang mga sundalo at pulis.

Speak Your Mind

*