Presumptive Republican Nominee Donald Trump, handang makipag-usap Kay North Korean Leader

Handa umano si Presumptive Republican Nominee Donald Trump na makipag-usap kay North Korean Leader Kim Jong Un sakaling manalo siyang pangulo ng Amerika.

Ito, aniya ay para himukin ang North Korea na itigil na ang pagpapatupad sa kanilang nuclear program.

Kasabay nito, matinding pressure naman umano ang gagawin ni Trump sa China para rendahan nito ang North Korea na kilalang kaalyado nito.

Ayon ka Trump, makakaya niya itong gawin dahil di hamak na mas makapangyarihan umano ang amerika kaysa sa China sa usapin ng ekonomiya.

Speak Your Mind

*