Presyo ng mga school supplies, matatag pa kahit papalapit na ang pasukan

Hindi pa nagtataas ang presyo ng mga school supplies kahit papalapit na ang pasukan.

Sa katunayan, ayon sa Department of Trade and Industry, bumaba pa nga ang presyo ng maraming school supplies habang ilan naman umano sa mga ito ang tumaas ang presyo.

Inilabas na rin ng DTI ang listahan ng Suggested Retail Price list para mga tindahan ng school supplies na ipapaskil rin umano sa kanilang website.

Sa susunod na linggo naman, sisimulan ng dti na magsagawa ng monitoring sa presyo ng mga school supplies.

Pinapayuhan ng DTI ang mga magulang na mas maagang bumili ng mga school supplies.

Speak Your Mind

*