Provincial Health Office, tiniyak ang kahandaan sa “Balik Eskwela” ng Deped

Tiniyak ng Provincial Health Office o PHO-Pangasinan ang kanilang kahandaan para sa “balik eskwela program” ng Department of Education (Deped).

Ayon kay Dr. Anna de Guzman, Provincial Director ng PHO, na nagkaroon na ng pag-uusap ang PHO at mga Chief of Hospital sa lalawigan upang tiyakin ang kalinisan sa mga paaralan dahil sa banta ng sakit na dengue.

Upang matiyak na ligtas sa dengue ang mga estudyante na papasok ngayong tag-ulan, susuriin din ang kanilang mga ikinabit ng mga mosquito net.

Sa panayam ng sonshine radio, sinabi rin ni de Guzman na lahat ng kanilang Sanitary Inspector ay susuyurin ang mga kantina ng paaralan at mga daluyan ng tubig upang matiyak na ligtas itong gamitin.

Kasama rin umano sa susuriin ng PHO ang mga pagkaing ibibenta sa mga kantina kung saan dapat masustansya ang mga ito para sa mga bata.

Speak Your Mind

*