R1MC, nakiisa sa paggunita sa HIV/AIDS Week, Candle Lighting Ceremony, isinagawa

Bilang pakikiisa sa paggunita sa human immunodeficiency Virus Infection And Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) Week, nagsindi ng kandila ang mga empleyado ng Region 1 Medical Center o R1MC Dagupan.

Ayon kay Dr. Rowena Virrey, Infection Disease Consultant ng R1MC, ang Candle Ligthing Ceromony ay pagpapakita ng simpatiya ng mga biktima ng HIV-AIDS.

Batay sa tala ng Department of Health, tumaas ang naitalang kaso ng HIV ngayong taon na 26 pasyente kumpara noong 2015 na 21 kaso lamang ang naitatala kada araw.

Sinabi pa ni Virrey na nakababahala ang nasabing data kayat naniniwala ang DOH na kung natutulungan ang lahat sa pagpapakalat ng impormasyon laban sa nakahahawang sakit ay mas madali itong maagapan.

Speak Your Mind

*