Redtide, maituturing na umanong World Phenomenom ayon sa BFAR

Maituturing na World Phenomenom ang redtide kung saan hanggang ngayon ay hindi pa matukoy ang paano nagkakaroon nito.

Ito ang inihyag ni Dr. Westly Rosario, hepe ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa panayam ng Sonshine Radio.

Ayon pa kay Rosario, wala ring sinuman ang makapagsasabi kung kailan tatama ang redtide sa isang lugar.

Nilinaw naman ng BFAR na posibleng epekto ng climate change kung bakit walang naitalang kaso ng redtide sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon sa kabilang na naranasang init ng panahon.

Nabatid na mas mataas ng tiyansa na magkaroon ng redtide kung masyadong maalat ang tubig at mainit ang panahon.

Ang tinig ni Dr. Westly Rosario, hepe ng BFAR-NIFTDC sa panayam ng Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*