Robredo, handa bigyan man o hindi ni Duterte ng posisyon sa gabinete

Hindi hihiling ng posisyon sa gabinete ni Incoming President Rodrigo Duterte si Vice President-Elect Leni Robredo.

Paliwanag ni Robredo, prerogative ni Duterte kung sino ang i-aappoint nitong miyembro ng gabinete.

Handa naman si Robredo kung bibigyan siya o hindi ng posisyon sa gabinete.

Pero kung hindi aniya ay magpo-pokus na lang siya sa trabaho bilang pangalawang pangulo.

Makikipagkita rin si Robredo kay Duterte para magbigay ng kortesiya para personal na ipaabot na handa siyang magbigay ng suporta sa incoming president.

Speak Your Mind

*