Robredo, magba-bus pa rin; hindi mag-oopisina sa coconut palace

Magpapatuloy ang pagsakay ni Vice President Elect Leni Robredo sa mga bus kahit pa maipo-proklama na siya bilang pangalawang pangulo.

Ito ang sinabi ni Atty. Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, sa panayam ng DZAR Sonshine Radio.

Paliwanag ni Hernandez, gusto pa rin ni Robredo na walang magbabago sa pamumuhay niya pero pinapahalagahan pa rin nito ang seguridad.

Dagdag pa ni Hernandez, hindi iniisip ni Robredo na mag-opisina sa Coconut Palace kung saan nag-opisina si Outgoing Vice President Jejomar Binay.

Pinag-uusapan pa aniya kung saan mag-oopisina si Robredo.

Samantala, minaliit naman ni Hernandez ang planong electoral protest ng mahigpit na katunggali ni Robredo na si Senador Bongbong Marcos dahil sa hanggang ngayon ay wala pa rin umanong maipakitang ebidensya ang senador.

Speak Your Mind

*