Sapat na suplay ng bigas sa NFA Western Pangasinan, tiniyak

Sapat pa ang suplay ng bigas sa National Food Authority (NFA) Western Pangasinan sa kabila ng naranasang El Nino.

Ito ayon kay NFA Senior Enforcement & Investigation Officer (SEIO) Lita Catabay ay dahil sa umiiral na 15 days requirement sa buffer stock ng bigas.

Ngunit pagdating aniya ng buwan ng Hulyo ay sisimulan na ang 30 days buffer stock.

Sakali naman ayon kay catabay na magkulang sa stock ng bigas ang NFA Western Pangasinan ay maaari silang kumuha sa NFA Warehouse sa La Union.

Nabatid na halos tapos na sa pag-ani ang mga magsasaka sa Western Pangasinan habang unti-unti naring nagtatanin ang ilan para sa susunod na cropping season.

Speak Your Mind

*