School bullying, isa sa tututukan ng PPO sa balik eskwela ng Deped

Ibat-ibang aktibidad na may kaugnayan sa Balik Eskwela ng Department of Education (DEPED) ang pinaghahandaan ngayon ng Pangasinan Provincial Police Office o PPPO.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Officer for Operation ng PPPO, na kabilang rito ang pagbibigay siguridad sa mga estudyante.

Isa na aniya rito ang mga naitalang isidente ng school bullying na mahigpit na babantayan ng pulisya.

Tiniyak naman ni Candelario na kaisa ang hanay ng kapulisan sa ilulunsad ngayong araw ng Deped na Drigada Eskuwela.

Speak Your Mind

*