Seeds program ng DA, umarangkada kasunod ng papasok ng tag-ulan

Kasunod ng papalapit na pagpasok ng tag-ulan, umarangkada na ang seeds program ang Department of Agriculture (DA) Region 1 para sa mga magsasaka.

Isa na umano rito ang pagbibigay ng libreng binhi ng palay sa ilalim ng programang High Yielding Technology Adoption (HYTA) ng Department of Agriculture.

Batay sa mga alituntunin ng programa, ang mga nakapag-avail sa HYTA ay ang mga farmers associations, at mga farmer cooperatives kung saan sila ang magbibigay sa kanilang miembro na “plant now, pay laters”.

Sinabi ni DA Regional Seed Coordinator Analiza Ramos, na kalimitang problema ang mga magsasaka ay kawalan ng capital kayat inaasahang lahat ng miyembro ng isang irrigators’ association (IA) ay makikinabang mula sa proyekto.

Tiyak naman aniyang magiging patas ang distribusyon ng program sa lahat ng samahan ng famers sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinatutupad na guidelines.

Speak Your Mind

*