Senate President Franklin Drilon, posible pa ring mapanatili ang posisyon

Posible pa rin na mapanatili ni Senador Franklin Drilon ang posisyon bilang Senate President.

Ayon kay Senador Sonny Angara, maaaring mapanatili ni Drilon ang posisyon kapag hindi nakakuha ng mahigit labindalawang boto ang iba pang kakandidato sa pagka-senate president.

Dahil dalawa aniya sa kampo ni Incoming President Rodrigo Duterte ang nagpapahiwatig sa Senate Presidency, maaaring mahati ang boto para sa mga ito.

Samantala, kasama sina Senador Alan Peter Cayetano, Senador Koko Pimentel at Senador Tito Sotto sa ilang lumulutang na magiging kandidato para sa Senate Presidency.

Speak Your Mind

*