Serbisyong ibinibigay ng Negosyo Center ng DTI, mas pinatatag

Mas matatag na “Negosyo Center” ang ibinibigay na serbisyo ngayon ng Department Of Trade And Industry (DTI) Sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Marjorie Loresco, Consumer Welfare Division Chief ng DTI-Pangasinan, tatlong negosyo centers na ang maaaring puntahan ng mga Pangasinense, ito ay sa lungsod Ng Dagupan, Alaminos at bayan ng Rosales.

Layun umano ng nasabing center na ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) at mga mag-uumpisa pa lamang na mag-negosyo.

Sinabi pa ni Loresco na dahil sa itinatag na negosyo centers ay maaari ng iparehistro sa pinakamalapit na tanggapan sa kanilang lugar ang kanilang business name registration maging ang bambe o barangay micro business enterprices.

Speak Your Mind

*