Sharon Cuneta, sumabak na sa pagiging coach sa pinakabagong serye ng The Voice Kids Philippines

Mapapanood na bukas ang pinakabagong season ng The Voice Kids Philippines kung saan uupo bilang coach sa unang pagkakataon ang Mega Star na si Sharon Cuneta.

Makakasama nito bilang coach sina Miss Lea Salonga at si Bamboo.

Sa taping kahapon ng The Voice Kids, mainit na sinalubong ng mga audience si mega star kabilang ang dalawa pang coach.

Itinuturi namang malaking hamon nina Lea at Bamboo si Megastar para sa pagpili ng mga bagong talent na susunod sa kanilang mga yapak.

Excited naman ang mga naturang hurado sa magiging takbo ng kompetisyon sa pinaka-bagong serye ng The Voice Kids Philippines.

Speak Your Mind

*