Shoot to kill order ni Duterte bahagi ng pagpapatupad ng batas ng isang Chief Executive ayon sa Malakanyang

Mandato ng pangulo bilang Chief Executive ang pagpapatupad ng batas na patas, walang kinikilingan at makatarungan.

Ito ang tugon ni presidential Communications Secretary Sonny Coloma sa utos ni Presumptive President Rodrigo Roa Duterte na ishoot to kill ang mga drug traffickers sakaling manlaban sa mga awtoridad.

Sinabi din ng palasyo na base sa pahayag ni Duerte, ‘Last Resort’ umano ng mga awtoridad ang shoot to kill order sa mga nanlabang kriminal na hinuhuli.

Maliban sa shoot to kill order seryoso din si Duterte na ipatupad ang death penalty sa mga mapapatunayang gumawa ng heinous crimes.

Speak Your Mind

*