Skill Registry System, pamaraan ng DOLE upang maiwasan ang mga Jobs Mismatch

Gumagamit na ng Skill Registry System ang Department of Labor and Employment o DOLE upang mas mabilis na makabigay ng trabaho sa mga jobseeker.

Sa Skill Registry System, nakikita ang skills ng mga aplekante na ginagamit namang basihan upang makahikayat ng maraming employer sa isang Job Fairs.

Ayon kay Bernadtte Mae Mamitag, DOLE District Officer ng Western Pangasinan, daan narin umano ito upang maiwasan ang mga naitatalang kaso ng Jobs Mismatch.

Samantala, inihayag naman ni Mamitag ang mga nakapilang Job Fairs ng DOLE Western Pangasinan sa buwan ng Hunyo, una na rito sa June 8 at June 28 sa PESO Office sa Lingayen, at June 10 sa Alaminos Convention Center.

Speak Your Mind

*