Smartmatic, isinisisi sa Comelec ang pagpapalit nila ng script sa transparency server

Isinisi ng Smartmatic sa Commission on Elections kung bakit pinalitan nila ang script ng transparency server noong gabi ng Mayo a-nuebe.

Sinabi Karen Jimeno, head ng Voter Education ng Smatmatic, na napilitan lang ang kanilang project manager na si Marlon Garcia na palitan ang nasabing script dahil may binigay aniya ang kawani ng Comelec ng isa sa mga kailangang password.

Giit ni Jimeno na ang nasabing password ng Comelec at ang hawak ng Smartmatic ay kailangang ma-encode ng sabay sakaling may nais baguhin sa script ng hash code.

Ayon kay Jimeno, may kasama silang taga Comelec Information Technology Department ng kanilang palitan ang “Typographical Error” sa server.

Binigyang diin pa ni Jimeno na ang nasabing Comelec Officer ang nag-type ng password dahilan kung bakit nagawang baguhin ni Garcia ang nasabing script.

Speak Your Mind

*