Smartmatic, PPCRV, at Comelec sinampahan ng reklamong Electoral Sabotage sa Ombudsman

Nagsampa ng reklamong Electoral Sabotage sa Ombudsman ang grupong mata sa balota laban sa Smartmatic, Commission on Elections (Comelec), at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Kinuwestyon ng grupo ang integridad ng halalan matapos mapalitan ang hash code sa transparency server ng Comelec.

Anila, nag-kuntsabahan ang Smartmatic, Comelec, at PPCRV at ginawa nito ang kanilang tungkulin “in bad faith.”

Nais din ng grupo na maglabas ang Ombudsman ng hold departure order laban kay Marlon Garcia, ang Project Manager ng Smartmatic na pinalitan ang hash code sa naturang server.

Una nang sinabi ng martmatic na hindi naman kailangan ng HDO laban sa kanila dahil wala naman umano silang planong lumabas ng bansa.

Speak Your Mind

*