Smoking cessation training, inilunsad ng DOH laban sa paninigarilyo

Patuloy ang kampanya ng Department of Health (DOH) Region 1 sa kampanya laban sa paninigarilyo kasabay sa selebrasyon ng World Smoking Day noong mayo a-bente tres.

Sinabi ni DOH Regional Information Officer Francisco de vera, layunin nito na bigyan ng awareness ang publiko na ang paninigarilyo ay nagbibigay ng masamang epekto sa kalusugan.

Ayon pa kay de Vera, kahit batid ng marami na ang paninigarilyo ay nagbibigay ng sakit gaya ng kanser sa baga, diabetes, hypertension, at mga cardiovascular disease ay nahihirapan silang huminto.

Dahil dito, binuksan ng DOH ang isang smoking cessation training sa mga Health Center para sa lahat ng mga gustong huminto na sa paninigalyo.

Nabatid na sa ilalim ng joint memoramdom sa Civil Service Commission, bawal manigarilyo sa lahat ng government offices lalo na ang kanilang mga empleyado.

Speak Your Mind

*