SPES Program ng DOLE Central Pangasinan, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang Special Program for the Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga estudyanteng nagtatrabaho ngayong bakasyon.

Ayon kay Phil Dioquinto, SPES Program In-Charge, nasa siyam na-pung prosyento (90%) mula sa 700 slot na inilaan para sa SPES Program sa DOLE District Office Central Pangasinan ang nagtatrabaho na.

Sinabi pa ni Dioquinto na ang SPES ay bukas sa mga estudyante na papasa sa basic requirement na hinihingi ng DOLE gaya ng edad, income ng magulang at grado ng mag-aaral.

Ang spes ay ipinapatupad ng DOLE para tulungan ang mga mahihirap pero karapat-dapat na mga estudyante na magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa pamamagitan summer job.

Speak Your Mind

*