Steve Kerr, umaasang maipapanalo ang sunod na laro sa Western Conference Finals

Tiwala si Golden State Warriors head coach Steve Kerr na magagawa nilang makabawi sa game four ng Western Conference Finals.

Ito ay matapos silang talunin ng Oklahoma City Thunder sa game 3 ng Best-Of-Seven Series sa iskor na 133-105.

Nag-init ang All-Star Duo na sina 4-time scoring champion at former MVP Kevin Durant na bumuhos ng 33 points, 8 rebounds at ang former scoring champion na si Russell Westbrook na gumawa naman ng 30 points, 8 rebounds at 12 assists.

Maliban dito, kanya-kanya ring kontribusyon ang mga Key Players ng thunders na sina Serge Ibaka, Dion Waiters at Enes Kanter na nagtapos sa double-digit scoring

Sa ngayon, hawak na ng Thunders ang lead standing na 2-1 sa Best-Of-Seven Final Series.

Speak Your Mind

*