Suporta ng Provincial Government, daan sa Hall Of Fame Award ng PESO

Suporta ng Provincial Government ng Pangasinan ang daan sa tagumpay at mga pagkilalang natatanggap ngayon ng Provincial Employment Services Office (PESO).

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni PESO Manager Alex Ferrer na hindi nila makamit ang Hall Of Famenational Best PESO Award kung hindi sila suportado ng administrasyon ni Gov. Amado T. Espino.

Kabilang na aniya rito ang mga isinasagawa nilang jobs fair at ang mga ino-organisang special recrutiment activity sa ibat-ibang bayan sa Pangasinan na kinakailangan ng sapat ng pondo.

Maliban pa dito, nakatulong din ayon kay Ferrer sa tagumpay ng peso ang ibang pang programa kanilang isinasagawa gaya ng labor market information at career guidance counseling programs.

Ang tinig ni PESO Manager Alex Ferrer, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*