Supply ng bangus sa Dagupan, sapat at ligtas sakabila ng naitalang paggataw

Bagamat naranasan ang mga paggataw o fishkill sa ilang bayan sa lalawigan ng Pangasinan nitong mga nakaraang araw, nananatili parin naman umanong matatag ang supply ng bangus sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Emma Molina, Dagupan City Agriculturist, ito ay dahil sa tuloy-tuloy ang ginagawang pag-harvest ng mga alagang isda sa lungsod.

Kasabay nito, tiniyak din ni Molina ang mahigpit nilang monitoring ang mga pumapasok na bangus sa Dagupan sa pamamagitan ng pag-check sa kanilang auxiliary invoice.

Ang auxiliary invoice ay ginagamit na monitoring tools upang maditermina mula sa pinanggalingang lugar na sinasabing ligtas ang mga isdang i-byahe.

Bahagya naman tumaas ng sampung piso kada kilo ng bangus na mabibili ngayon sa Magsaysay Market ng Dagupan.

Speak Your Mind

*