Task Force kontra sa iligal na droga, itatatag ni Duterte

Plano no President-Elect Rodrigo Duterte na bumuo ng isang task force kontra sa iligal na droga.

Ito ay bahagi ng pangako ni Duterte na tatapusin ang mga nasasangkot sa illegal drugs sa loob ng anim na buwan.

Magiging bahagi ng nasabing task force ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation at Philippine National Police.

Sinabi ni Duterte na mahigpit niyang tututukan ang illegal drugs lalo na’t may mga heneral, politiko at mga pulis ang sangkot dito.

Kasabay nito, inanunsiyo din ni Duterte na magmumula sa hanay ng militar ang itatalaga niyang mamamahala sa Bureau of Immigration.

Speak Your Mind

*